Ano ang kasaysayan at ano ang kahalgan? Answer: Kasaysayan: Kahulugan at Kahalagahan Lahat ng bagay sa ating daigdig ay may pinagmulan. Simula sa kalawakan, sa sistemang solar, sa ating daigdig na ginagalawan, sa mga kontinente, sa ating bayang sinilangan, sa ating kinalalagyan, sa ating mga nakikita sa paligid hanggang sa ating mga sarili. Tulad ng isang puno, na nagsisimula bilang isang binhi, na kapag itinanim sa lupa, inalagaan at inaruga ay magiging isang halaman. Hanggang sa ito ay maging isang puno na magbibigay ng ating mga pangangailangan. Tulad rin ito ng kasaysayan, may pinagmulan, pamamaraan, at batayan. Ang salitang kasaysayan ay ang salinwika ng salitang Ingles na history. Ang salitang history naman ay nagmula sa salitang Griyego na "historia" na nangangahulugang pag-uusisa at pagsisiyasat. Ang kasaysayan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinagaaralan ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao,mga bansa, at daigdig noong mga nakalipas na panahon. Ma...